|
Post by shennette425 on Dec 26, 2006 15:47:32 GMT 7
post articles about irish here..
|
|
|
Post by shennette425 on Dec 26, 2006 15:51:32 GMT 7
Ambus December 18, 2006 06:31 PM Monday By: Ambet Nabus
SOBRA nga akong humanga kay Irish Fullerton dahil ang ganda ng bitaw ng high notes nito. Mapasayaw, rock at ang forte niyang love song, nanga-bog ang lokah. And she did really look ve-ry pretty that night. Aakalain mo ngang lumalaban sa beauty contest ang bruha dahil tala-ga namang diyosang-diyosa ang appeal nito.
Napakahusay din ni Chad Peralta. Rock star na rock star ang porma at kilos. He simply was enjoying with his performance that night. Pero, nang kantahin na niya ang Love Story after i-announce na si Ronnie ang huling pumasok sa top three, wow, grabe, ma-iinlab ka sa husay niya. Iba ang interpretasyon ng kanta at parang noon ko lang na-appreciate ang ganda ng nasabing classic love song. Ganundin ang isa pang rocker, si Panky. Hanep ang babaing ito. Kung hindi nga lang ito naging pasaway at the early part of the contest ay baka itinodo namin para sa kanya ang text votes namin. Sisikat ang babaing ito sa li-ga niya.
|
|
|
Post by shennette425 on Jan 16, 2007 20:07:05 GMT 7
Irish Fullerton has yet to meet her biological father The Pinoy Dream Academy graduate only saw her father in pictures.Ruel Mendoza | Wednesday, January 10, 2007 Aminado ang Pinoy Dream Academy (PDA) grand finalist na si Irish Fullerton na galing siya sa isang broken family. Pero nagpapasalamat siya dahil naging matatag ang kanyang ina at nakaya nitong buhayin si Irish noong iwan sila ng kanyang biological father. Ayon kay Irish, hindi niya nakilala ang kanyang American father. Sa mga litrato lang daw niya ito nakita. Pero sa kabila nito ay hindi nawalan ng father figure si Irish dahil sa stepfather niya, kung saan mayroon siyang isang kapatid. Ito ang pahayag ni Irish during the pictorial of a clothing brand last January 5 with her co-PDA scholars Yeng Constantino, Jay-R Siaboc, Ronnie Liang, Panky Trinidad, and Chad Peralta. Dagdag pa ni Irish, "I also have a brother and sister from my [biological] dad but I never met them kaya hindi ako naging close sa kanila. It's my stepdad, William Thomas, who I really consider my real dad. Because when I was five years old, he was the one who took care of me and my Mom. Mahal na mahal ko siya as if he's my real dad talaga." Kung titingnan si Irish ay all-American girl ang dating niya, pero sa kabila nito ay magaling pala siyang magsalita ng Tagalog. Yun daw ang isang bagay na itinuro sa kanya ng kanyang Pinay mother noong nasa Amerika pa sila. "My Mom will always remind me to speak in Tagalog lalo na kapag kaming dalawa lang. If I speak English in front of her, she would always make fun of me by saying, ‘Ano sabi mo? Hindi kita maintindihan!' That's how I really learned to speak the language," kuwento ni Irish. Dahil marami raw siyang gustong bilhin noon para sa sarili niya, nagtrabaho habang nag-aaral si Irish sa Amerika. Nakabili na rin siya ng sarili niyang kotse, pero kinailangan niyang iwan ito sa Amerika dahil napili nga siya bilang isa sa mga scholars ng Pinoy Dream Academy. "Naku, I really cried kasi bagong bili ko yung car but I had to leave it kasi I have to be here for PDA. I always tell my dad to have it cleaned and take care of it. I miss my car as well as my family in the US," nakangiting sabi ni Irish. Mahilig talaga sa music si Irish kaya naman sa pamamagitan ng PDA ay matutupad ang pangarap niyang maging singer. www.pep.ph/articles/news/11818.htm
|
|
|
Post by shennette425 on Jan 16, 2007 20:12:53 GMT 7
Irish Fullerton admits doing sexy photo shoot PDA's Irish Fullerton admits that she is the girl in the sexy photos. Candice Lim | Friday, January 12, 2007 In December, PEP (Philippine Entertainment Portal) reported that the sexy photos of a bikini-clad girl in website www.xzoticmodels.com might be those of Pinoy Dream Academy (PDA) graduate Irish Fullerton. The Irish-look-alike was wearing a two-piece bathing suit, a belly-button ring, and sporting a small bunny tattoo on her pelvis. The girl was described as: 5'7" tall, 115 lbs. heavy ,and living in Tracy, California. Just like Irish! "I did them!" admits Irish. The Filipino-American is one of the finalists of PDA. She became known in the reality TV show as the beautiful Caucasian girl with Filipino values. Direk Joey Reyes, one of the teachers at the Academy, would always tell her that she already looks like a star, and what she has to do now is reel the audience in with her voice. Irish ended up in the Top 6. In the end, she didn't win, but she can still be seen as a guest in A.S.A.P. and she joins the rest of the "academates" on tour. "I needed prints ‘cause I used to do modeling when I was younger, and I didn't have anything that had a two-piece," explains the 23-year-old aspiring singer. "In order to really do your compilation—when you hand it out to modeling agencies—you need to have a bathing suit in there. So I did a bathing suit shoot... I did a photo shoot." Irish was 19 when she did the photo shoot. Irish adds, "The website that I'd seen it on, that's not where it was originally. It was originally on a website where a modeling agency... They go in there and instead of giving them our compilation cards, they can look online." Although the pictures may seem too sexy for some, Irish isn't worried that it will affect her wholesome image. "'Cause I'm still wholesome. I don't think the outer appearance is who or what makes who I am. I'm still the girl who goes to Mass every Sunday... It's still me, the loving daughter to her mom. I don't see anything wrong with it." She ends with a laugh, "I wasn't naked!" Irish laughs off "bikini scandal." She explains, "'Cause I looked good! If I still look like that right now, god...Not that I'd do anything drastic, but I'd still wear a bathing suit now." Photo: Noel Orsal www.pep.ph/articles/news/11847.htm
|
|
|
Post by shennette425 on May 6, 2007 23:56:12 GMT 7
Four "Pinoy Dream Academy" scholars suspended?
Nora Calderon Wednesday, May 2, 2007
Nakatanggaap ang PEP (Philippine Entertainment Portal) ng unconfirmed report mula sa isang reliable source na suspended indefinitely ang Pinoy Dream Academy (PDA) scholars na sina Jay-R Siaboc, Irish Fullerton, Panky Trinidad, at Chad Peralta dahil sa pagiging pasaway diumano nila during their US concert tour nitong Abril. Kasama ng apat sina Yeng Constantino at Ronnie Liang sa nasabing concert tour.
Kung totoo nga ang balitang ito, nakakapanghinayang ang malaking chance na ibinibigay sa kanila ng Dream Big Productions (DBP), na pinamumunuan ng business-unit head nitong si Direk Laurenti Dyogi and director Jon Ilagan. Pero mukhang hindi na nga mapigilan ang paglabas ng totoong nangyari sa US concert tour nila, sa kabila ng pagtatakip ng kanilang management company.
Ayon sa isang PEP source, na may kinalaman sa DBP, ay pupunta dapat ang Top 6 PDA scholars sa Disneyland, ngunit hindi sumama sina Jay-R, Panky, Chad, at Irish. Sinabi diumano ni Irish—na taga-San Francisco, California— na hindi na sila mga bata para pumunta pa ng Disneyland. Sa halip, kung saan-saan lang sila nagpunta, gayo't maliban sa kanya, ang lahat ay first time pa lang nakapunta sa US.
Nag-dialogue naman daw si Panky na, "I don't need this nuts thing. Mayaman kami sa Cebu!" Napag-alaman din ng PEP na magkasintahan pala talaga sina Panky at Chad, at two months na raw ang kanilang relasyon.
Balita pa na may relasyon din sina Irish at Jay-R. Kaya kawawa raw ang nali-link kay Irish na si Mark Bautista dahil lumalabas na iba pala ang gusto ni Irish.
Bukod dito, ayon sa aming source, nagdala pa raw sina Irish, Jay-R, Panky, at Chad ng mga beer sa hotel room nila sa San Diego, California. Nakarating daw sa hotel manager ang pag-iinuman ng apat kaya galit na galit daw ito.
Pero ang pinakamatinding "violation" na nagawa ng apat ay ang pagpapalitan nila ng kuwarto. Hiwalay kasi dapat ang kuwarto ng mga lalaki at mga babae, pero pumunta raw diumano sina Irish at Panky sa kuwarto ng mga boys.
Pagbalik ng Top 6 PDA scholars sa Pilipinas ay may lumabas na balitang nagmaldita diumano si Yeng sa mga Pinoy fans nila sa USA. Pero ang totoo raw talaga ay sina Panky at Irish ang inirereklamo na ayaw magpa-pictorial kasama ng mga fans.
Napag-alaman din ng PEP na pagdating pa lang sa Pilipinas ng PDA Top 6 mula sa US concert tour last April 25, nagpasya na ang DBP na hindi sila pakantahin sa ASAP ‘07 last Sunday, April 29.
Nakausap pa nga ng PEP sina Yeng at Ronnie kinabukasan. Nangangarag sila dahil pupunta pa raw sila sa bahay ng mga nagpadala ng letters para sa "Dream Request" segment nila sa ASAP '07. Ang hindi nila alam, hindi na pala sila dapat nangarag dahil tinanggal na ang naturang portion, kung saan kinakanta nila ang mga requested songs ng kanilang fans.
Bukod sa pagtanggal ng kanilang segment sa ASAP '07, binigyan pa ng ibang sanctions sina Irish, Panky, Chad, at Jay-R.
Hindi na raw tuloy ang gagawing album ni Irish sa Warner Music, na dapat ay sisimulan na niya pagbalik sa bansa.
Si Panky naman ay tinanggal na rin daw sa Cebalo Band, kung saan kasama niya sina Yvan Lambatan, Davey Langit, at Emman Abatayo. Sila ang kumanta ng bagong version ng "Pinoy Ako," na siyang theme song ng Pinoy Big Brother Season 2. Tuloy pa rin daw ang banda, pero kukuha na ng kapalit ni Panky.
Si Chad ay maaaring nakabalik na sa Australia dahil hindi raw nito kaya ang hirap na pinagdaraanan bilang isang singer.
Si Jay-R ay pinauwi muna sa Cebu habang hinihintay ang desisyon ng DBP, kahit pa nga kasalukuyan siyang nagpu-promote ng debut album niya. Kahit ang manager ni Jay-R ay nag-give-up na rin daw sa kanya. Ipina-cancel na raw nito ang lahat ng mga nakuha niyang shows para kay Jay-R dahil naging matigas daw agad ang ulo nito.
For sure, hindi rin alam ni Jay-R na siya sana ang makakatambal ni Maja Salvador sa bagong soap opera ng ABS-CBN na Pangarap na Bituin. Sana ay makakssama niya rito sina Jericho Rosales at Sarah Geronimo. Pero dahil nga sa indefinite suspension kay Jay-R ay tinanggal na siya sa cast.
|
|
|
Post by shennette425 on May 6, 2007 23:58:10 GMT 7
PDA management confirms sanctions against Irish, Panky, Chad, and Jay-R
Ambet Nabus Thursday, May 3, 2007
Kumpirmadong tinanggal na sa ASAP ‘07 ng ABS-CBN ang apat sa Top 6 scholars ng Pinoy Dream Academy (PDA)—sina Irish Fullerton, Panky Trinidad, Chad Peralta, at Jay-R Siaboc.
Ito ang napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) mula mismo kay Direk Jon Ilagan, ang managing director ng Dream Big Productions, kung saan nakakontrata ang PDA scholars.
Sina Irish, Panky, Chad, at Jay-R ay agad na inalis sa naturang Sunday musical variety program dahil sa maraming violations nila, lalo na nang nasa Amerika sila para sa kanilang concert tour.
Napabalitang lumabas ang kagaspangan ng kanilang ugali sa US concert tour at mismong ang mga kababayan natin ang nagreklamo sa kanila. Balitang naging pasaway at nag-inastang magagaling at super-sikat ang apat.
Ayon sa mga nakalap naming impormasyon, nanguna sina Irish at Panky sa mga nagmaldita at naging sakit ng ulo ng mga producers/promoters ng shows nila sa US. Naroon ang isyu ng pag-inom ng alak kahit mahigpit itong ipinagbabawal, ang pagiging disorganisado sa mga kuwarto nila, ang pagiging unruly kahit nasa harap ng ibang tao, at ang pinakamalala ay ang diumano'y "room swapping" nina Irish at Panky sa hotel rooms ng mga lalaki. Naging malaking isyu rin ang pagkakaroon diumano nila ng intimate moments.
"Natural na bigyan sila ng kaukulang parusa ng PDA management. Hindi na naaayon sa wasto ang ikinikilos nila," sabi ng mapagkakatiwalaang source ng PEP.
Sina Yeng Constantino at Ronnie Liang na lamang ang maiiwan sa ASAP '07. Sinasabing naging behaved ang dalawa during their entire stint sa US.
Kinumpirma rin ng isa pang source na totoo ang lumabas na balita rito sa PEP na namuo na nga ang relasyon sa pagitan nina Panky at Chad at nina Irish at Jay-R. Marami din ang nanghihinayang sa kanila, lalo na kay Jay-R. Bukod sa kaka-launch lang ng album ni Jay-R ay nakatakda rin sana siyang lumabas sa isang teleserye kasama sina Jericho Rosales, Sarah Geronimo, at Maja Salvador.
Sinubukan ng PEP na kontakin ang apat para hingan ng pahayag tungkol sa isyu, pero hindi nila sinasagot ang aming text messages o tawag.
Samantala, nagpadala si Direk Jon sa PEP ng official statement kaugnay ng sanction na ipinataw ng Dream Big Productions kina Irish, Panky, Chad, at Jay-R.
"In behalf of Dream Big Productions, we would like everybody to know that the management, after investigations made about the issue currently being tackled in most of the tabloids regarding the PDA scholars, have given the Artists involved sanctions for their wrongdoings. We assure you that we do not condone such behavior and that what has happened is something that is not expected from an ABS-CBN artist. We truly understand and commend our friends from the press for their constant reminders. We at Dream Big Productions will do everything that is right and just, even if it means reprimanding our own for their shortcomings. Thank you very much."
Nakakapanghinayang talaga ang sinapit ng apat na artists na ito, pero kailangan talagang dumating sa ganitong punto ang lahat. Sana naman ay makapagmuni-muni sila at muling magising sa kanilang mga nilikhang bangungot bago tuluyang masira ang kanilang career. O huli na talaga para sa kanila?
|
|
|
Post by wowposter on Oct 29, 2008 1:56:51 GMT 7
|
|
|
Post by wowposter on Nov 11, 2008 20:32:38 GMT 7
|
|